Pareho tayong bago at parang complicated talaga ang mga tasks dahil iniisip muna natin ang pera kahit hindi pa tayo nakatapos ng tasks. Hindi na nga binabasa ang instructions eh kung ano ang gagawin at kung ano ang hinahanap! Kung minsan gumagawa na nang tasks sa training mode pa lang, at pag may mali, doon pa nagbabasa sa instructions. Sa liit ng price/tasks, nagmamadaling makatapos at maisubmit sacrificing the accuracy/correctness of answers! Ginawa ko lahat ng ito.
Ang ginawa ko noong na flagged ako minsan dahil low na iyong accuracy ko, i read the instructions twice bago ako gumawa ng tasks. Sa training mode, hindi na ako nagmamadali, binabasa ko lahat ang dapat, at click ko lahat ng links na given bago ako sumasagot. Pag na flag na mali ang sagot ko, binabasa ko muna kung bakit mali. Kung ok ako sa explanation, click continue ako. Kung hindi ako ok, click ako that's unfair, at justify ko kung bakit tama yong sagot ko.
Nag master muna ang isang task, tulad ng "Is this company owned by another company." Nang ma master ko ito, try naman ako ng ibang tasks. Sacrifice ko muna ang speed sa accuracy during training mode..