mclloyd86 wrote: angmensahero wrote: augustiajr wrote: Isang $0.70 na task kagabi.
Lumiit na pala ang bayad. Sa unang paglabas nyan, $2.09 yung bayad!
Tingnan mo to!
wow ang galing naman laki ng bayad hehehe
mailap ang tasks sakin ah hehehe
Kunting pasensya lang kabayan! Noon, palagi ring walang task akong nakukuha sa CF. Nagsimula lang 'tong magbago noong mga huling linggo ng Disyembre 2013. Wala naman akong kakaibang ginagawa maliban siguro sa pagiging mas aktibo sa panahong yun kumpara sa nakaraan. Dati rati kasi di ko masyadong binigyang pansin intong CF.
Ngayon, meron akong 16 na uri ng task pero hindi ko nagagalaw lahat kasi hindi naman ako nakatuon dito buong araw tulad ng iba. hehe Noong January, average kita ko bawat araw sa pagsasa-sideline dito ay $4.35. Sa February, mga $3.03. Sa buwang ito, so far, mga $5.51. Nagagawa ko yan kahit pa-sideline sideline lang dahil nakakakuha kasi ako ng mga task na medyo mataas ang bayad. Yung $2.09 ang pinakamataas. Pero ang palagi kong tinitira ay yung mga task na $0.06 - $0.21 ang bayad. Sinuswerte naman ako paminsan kasi may mga araw na mas mataas sa normal yung bayad sa mga tasks na nakukuha ko,
Pasensya lang at tiyaga kabayan. At saka siguro pagbutihin lang ang trabaho para makaka-maintain tayo ng mataas na Global Accuracy.