augustiajr wrote: ^ Pwede mamili kung marami talaga available, pero sa ngayon zero tasks.
Paano kaya mapapa-taas accuracy niyan?
Yun ang problema sa bagong sistema. Paano ka makakakuha ng level 1 man lang kong lahat ng trabaho nangangailangan ng level 1 badge?
Sa kaso ko, nagsimula akong tumitira lang ng $0.01 kasi walang ibang task akong nakukuha at maraming beses noon ni sang task wala akong nakukuha. Pero noon naman hindi ko pinansin masyado itong CF at ang mga task kasi busy ako palagi. Nagbago lang ito noon huling bahagi ng Disyembre 2013 kasi tumitira na ako araw-araw basta meron lang task sa dashboard ko. Sinisikap ko rin na maayos ang trabaho ko at hindi lang basta makakarami. Ayon mataas naman ang rating kong nakukuha. Sinubukan ko ring ipasa lahat yung skills test at nagawa ko naman. Palagi rin akong nag-susubmit ng tickets kung sa tingin ko unfair o mali yung ruling sa test questions, at sa awa ng pagkakataon na aadjust naman ang rating ko at may bonus pa nga sa iilan. Yung tipo kasi ng tickets ko kompleto.. may screenshots pa para idiin yung punto ko at pang-debate na argumento. LOL
Mula noon, nagsimula na akong nakatanggap ng maraming trabaho. May isang beses nga na 3 pages yung haba ng tasks na nakuha ko. Sa ngayon ganun pa rin pero pinipili ko na yung tinitira kong trabaho. Nakakuha na kasi ako ng task na mataas ang bayad kaysa karaniwan nating nakukuha. Ang pinaka-matass so far ay yung $2.00 bayad.
Sa bagong sistema, hindi ko alam kung paano magsimula yung baguhan at yung nangangailangan ng maraming task para makaangat ng level.