Una akong nag create ng account nung student pa lang ako, okay naman noon kasi student ID at school registration form ang ginamit. Wala pa akong malay na may Clixsense noon at na-close ko yung account.
Yung account ko ngayon sa BPI-Family, pareho tayo unemployed noon kaya alangan ako sa mga requirements. Nag-inquire muna ako sa branch kung pwede ba ako mag-open kahit unemployed ako. Meron na akong TIN number (hindi naman required), meron din akong voter's ID (hindi rin naman nagamit), yung passport ko (buti meron na din) ang ginamit ko at xerox copy ng PLDT billing namin (wala kasi ako source or income at proof of billing) at P500. Mabilis lang yung application after 3 days meron na akong ATM card.