Please wait...
HomeForumPosts by Final_Fantasy7

Jump to
ySense Customer Care CornerySense Knowledge CenterMembers LoungeYour StatsSuccess StoriesPayment ProofsMember IntroductionGeneral TalkForo en EspañolCharla GeneralSoporte General y PagosInternationalPortugueseItalianFrenchGermanHindiUrduFilipinoIndonesianArabicRomanianTurkishRussianBulgarianHungarianPolishEx-Yugoslavia
Posts by Final_Fantasy7

Okay ba Crowdflower nyo? » Post #10

Fri Jun 05, 2015 09:38 in Filipino

Ako talaga ay wala na pag-asa ang crowdflower ko dahil hindi ko na magamit-gamit dito sa Clixsense. Nakalimutan ko ang username ko at password ko. Matagal ko na kase hindi nagagamit ang crowdflower ko. Then, ang required ay facebook account para sa Clixsense task dito. E ang email address ko na ipinaggamitan ko sa crowdflower ay wala naman ako facebook account doon.

Meron naman ako facebook account, kaya lang, ang email address ko ay iba ang email address ko na ipinaggamitan ko sa crowdflower account ko. Ginamitan ko nga ang email address ko na iyon dahil iyon lang ang email address ko na may facebook account para sa pag log in ko dito sa Clixsense at upang makagawa na ako ng mga tasks. Mas lalo ako nabigo dahil kahit sinasabi na meron ako lists of tasks dito sa Clixsense ay everytime kini-click ko siya upang gumawa na ng tasks, nag pa-pop out ang page sa harap ng screen monitor ko na keyso wala daw akong tasks, na kahit meron naman nakalagay dito sa Clixsense tasks ko.

Ang weird nga.

Nauubos ang oras ko sa kakaisip ng paraan.

Sa huli ay ginive up ko na lang.

Mag-ingat Po Kayo sa Pag Violate ng Task Online » Post #1

Wed Apr 15, 2015 03:24 in Filipino

Ang sama ng loob ko. Haha. Na-violate ko ata ang terms and services ng Crowdflower na hindi ko alam. Malay ko. Hindi ko talaga alam. Promise.

Ang Crowdflower kase ay naka-link sa Clixsense. Nauna talaga ako magregistered sa Clixsense. Mga ilan araw o mga ilan buwan ay gusto ko ng dagdag na work online.

Nakita ko ang Zoombucks. Pagkaregistered ko ay nakita ko na may Crowdflower din sila na naka-link. Hindi ko siya ginagalaw dahil kung gagawa man ako ng task ay sa Crowdflower ng Clixsense task na lang ako gagawa.

Naisip ko na mag-task sa Clixsense dahil sabi nga, may mga tao na naka-earned na mataas doon. Sa tuwing kiniklik ko naman ang available jobs sa Clixsense task ay sabi, hindi ako pinipermit na magwork sa available jobs na iyon.

Nagtataka ako.

Then, saka ko naalala ang Zoombucks na may Crowdflower task din doon. Automatic siya na once na-klik ko ang Zoombucks task nila ay naka-link na agad ang Crowdflower nila doon unlike sa Clixsense ay meron sign-in sa facebook kapag gagawa ng task sa Crowdflower.

Bawal ata na sumali sa two work online websites na naka-link ang Crowdflower. Kutob ko na iyon ata ang rason kung bakit hindi na ako makapag-task sa Clixsense.

Ang masasabi ko na ingat na lang talaga dahil sa karanasan ko ay hindi ko na magawa makapagtask sa Clixsense uli. Malay ko ba na may Crowdflower din pala sa Zoombucks e noh? Malamang ang account ko ay maaaring direktang naka-link agad sa Crowdflower. Ang lumabas ay parang nagkaroon pa ako ng two accounts sa Crowdflower.

Sa mga nakakabasa nito ay ingat na lang dahil nabasa ko sa other forum na parang ganun nga ang tema.

Huhu.

Meron Bang Nagmementor Ng Mga Pinoy Sa Clixsense? » Post #1

Tue Apr 14, 2015 21:01 in Filipino

Nahihirapan po kase ako. Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit nakaka-earned ang mga ibang members ng Clixsense na malalaking pera at isa pa, ang dami pa nilang referrals. Alam kong mahirap kumuha ng maraming referrals lalo na kung baguhan palang ang isang tao. Matutunan naman ng mga tao iyon diba? Still, kahit may mga tutorial at tips na ibinibigay sa forum ng Clixsense ay wala pa rin akong nakukuhang referrals.

For 7 months nga ako gumawa ng *blogs* pero *subdomain* nga lang. Nabasa ko lang sa isa sa mga nagbigay ng tips dito so, sinunod ko. Wala akong pera pambili kase ng *domain* kaya *subdomain* lang ako. Then, may nabasa din ako na kung ano ang dapat gawin para e-promote ang Clixsense. E isa sa mga lists ay sinunod ko. Tinitingnan ko pati kung magkano ang na-earned ng taong nagsulat nun so, ang ibig sabihin nun ay marami na siyang referrals.

Nag-ka-copy cat lang naman ako kung ano sinasabi ng mga successful Clixsense members dito, na kahit ang tips na gagastos ng pera para sa advertising ay ginawa ko na rin pero gumastos pa ako ng pera. E wala pa din akong referral. E iniimagine ko itong Clixsense na parang *multi-level marketing business* ang dating sa akin dahil sa mga MLM business ay naghahanap naman din sila ng tao para mabuo ang network sa ibaba at sabi nga ng ibang coaches sa MLM, gagayahin mo lang ang upline para kumita ka rin. E ganoon din ata ang Clixsense, kaya lang, online nga lang ito and so, hindi ko maimagine kung papaano nila ginagawa ang mag invite ng referrals. Ginagaya ko naman din ang mga strategies na ginagawa ng ibang Clixsense members na naka-earned ng pera dito.

Gumagastos ba sila ng malalaking pera para magpromote ng Clixsense? Meron nga ako nabasa sa online kung paano niya inadvertise ang Clixsense. Gumastos siya ng pera. May pumasok na referral sa kanya. So ginaya ko din ang strategy niya pero sa akin, wala naman referral.

Meron din kase ako nakita online at nabasa ko siya na inadvertise daw niya ang neobux sa adhitz at nang nakita ko ang screenshot niya, sus me--- ang laki ng ginastos niya. Mga $400 dollar ang estimate na ginastos niya. E ako nga ginastos ko lang ay mura lang pero wala ako nakuhang referrals sa Clixsense. So, malakas ang kutob ko kung ang tao na iyon ay gumagastos ng $400 dollar para epromote ang Neobux niya, e naisip ko na baka ang rason kung bakit successful ang mga ibang tao dito sa pagkuha ng referral ay dahil sa gumagastos din sila ng malaking pera sa pagpromote lang ng Clixsense.

Sana matulungan niyo ako kung ano ang mga strategies na ginawa niyo kung bakit nakakakuha kayo ng mga referrals sa Clixsense dahil ang totoo ay wala akong karanasan sa internet marketing. Ngayon ko nga lang nalaman na internet marketer ang tawag sa akin--- haha.

Isa pa, papaano ko kokontakin ang *upline* ko para magpatulong tungkol sa kuhanan ng referrals?

Pinoy ClixSense What you need to know » Post #106

Sun Feb 01, 2015 16:08 in Filipino

Ay. Andito ko lang pala matatagpuan ang lahat ng katanungan ko. Haha. Salamat at nakita ko ito. :D

Clixsense Team PH (CSTPH) Forum » Post #718

Tue Jan 27, 2015 08:18 in Filipino

Present :)
From: Go
Return to the forums index
All times displayed are PST - Server Time: Apr 20, 2024 09:01:26 PST